Nauusong laruan na “Lato-Lato” delikado sa mga bata ayon sa grupong BAN Toxics

Nauusong laruan na “Lato-Lato” delikado sa mga bata ayon sa grupong BAN Toxics

Delikado sa mga bata ang nauusong laruan na “Lato-Lato” na popular ngayon sa lokal na merkado at online.

Ang viral na laruan ay may iba’t ibang kulay, gawa sa dalawang rounded plastic balls, may tali at lumilikha ng tunog.

Bumili ang toxic watchdog group na BAN Toxics ng sampung (10) samples ng lato-lato toys na ang presyo ay nasa P15 hanggang P25 pesos ang isa depende sa laki.

Ayon sa grupo, lahat ng nabili nilang laruan ay walang proper labels, na labag sa labeling requirements sa ilalim ng Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

Ayon pa sa grupo, ang nasabing laruan ay delikado at posibleng magdulot ng choking, eye-injury, at strangulation.

Wala ding cautionary statements sa packaging ng laruan kabilang ang FDA marked License-to-Operate numbers na ang ibig sabihin ay ilegal ang pagbebenta nito sa bansa.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, dapat mabatid ng mga magulang na delikado ang nasabing laruan sa mga bata.

Umapela din si Dizon na alisin sa merkado ang naturang laruan lalo na sa mga tindahan na malapit sa eskwelahan.

Ayon sa BAN Toxics, batay sa artikulo na inilathala sa thestoly.com noong Enero, ang United States, United Kingdom, at Canada ay nagpatupad ng ban sa pagbebenta ng lato-lato toy sa kani-kanilang mga lugar dahil sa safety hazards at maaaring pinsala na maidudulot nito sa mga bata. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *