Magkakasunod na pagyanig naitala sa Kiamba, Sarangani
Nakapagtala ang Phivolcs ng magkakasunod na pagyanig sa lalawigan ng Sarangani.
Unang naitala ng Phivolcs ang ang magnitude 4.9 na lindol sa 40 kilometers southwest ng Kiamba, 1:03 ng madaling araw ng Miyerkules, May 24.
3 kiklometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV:
– T’Boli, SOUTH COTABATO
Intensity III:
– Maitum and Malapatan, SARANGANI
– Tupi, SOUTH COTABATO
Intensity II:
– Lake Sebu, and Tampakan, SOUTH COTABATO
– General Santos City
Intensity I
– Maasim, SARANGANI
Alas 2:22 naman ng madaling araw ng makapagtala ng magnitude 4.5 na lindol sa parehong epicenter sa Kiamba, Sarangani.
Naramdaman ito sa ilang mga lugar sa Sarangani, South Cotabato, Bukidnon, at Sultan Kudarat.
Nasundan pa ito ng magnitude 4.2 na pagyanig, 2:30 ng madaling araw.
Habang ang ikaapat na pagyanig ay may magnitude na 4.7 at naitala 8:44 ng umaga.
Sa ikaapat na pagyanig ay muling nakapagtala ng intensties sa Sarangani, South Cotabato, Davao Occidental, General Santos City at Sultan Kudarat. (DDC)