Bagyong nasa labas ng bansa lumakas pa; isa ng Super Typhoon ayon sa PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, umabot na sa Super Typhoon category ang bagyong may international name na ‘Mawar’.
Huli itong namataan sa layong 2,215 kilometers east ng Visayas.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.
Una ng sinabi ng PAGASA na maaaring pumasok sa bansa ang bagyo sa Biyernes o Sabado. (DDC)