Food stamp program ng pamahalaan target masimulan sa susunod na taon
Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na masimulan na ang food stamp program ng pamahalaan sa unang quarter ng susunod na taon.
Sa press briefing na sa Malakanyang, tinalakay ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang “Walang Gutom 2027” na isang food stamp program para tugunan ang kagutuman at kahirapan ng mga nangangailangan na pamilyang Pilipino.
Ayon kay Gatchalian, ang naturang programa ay planong ipatupad gamit ang electronic benefit transfers system para sa food credits na nagkakahalaga na P3,000.
Ang nasabing halaga ayu ipambibili ng pagkain sa mga DSWD-accredited retailers.
Layon ng programa na matulungan ang mga mahihirap na pamilya na may kinikita lang na mas mababa pa sa P8,000 kada buwan. (DDC)