Restoration ng Manila Central Post Office suportado ng DBM

Restoration ng Manila Central Post Office suportado ng DBM

Bukas ang Department of Budget and Management (DBM) sa panawagan ng mga mambabatas na mahanapan ng pondo upang mai-restore ang nasunog na Manila Central Post Office (MCPO) Building.

Ayon sa DBM, nakalulungkot ang insidente, lalo na ang ang nasunog ay maituturing na dominant landmark sa lungsod ng Maynila at natitirang neoclassical buildings sa bansa.

Deklarado din ang nasunog na Manila Central Post Office bilang Important Cultural Property (ICP) ng National Museum.

Ayon sa DBM, kabilang sa isinusulong ng ahensya sa ilalim ng liderato ni Secretary Amenah F. Pangandaman ang mapreserba at mai-promote ang arts, culture at history ng bansa.

Tiniyak ng DBM na makikipag-ugnayan ito sa Philippine Postal Corporation at iba pang concerned agencies para matukoy ang halaga ng pinsala ng sunog.

Aalamin din ng DBM ang plano ng PHLPost at kanilang assessment sa kakailanganing pondo para sa restoration. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *