Abusadong MMDA enforcer na nag-viral sa social media, sinibak

Abusadong MMDA enforcer na nag-viral sa social media, sinibak

Sinibak sa tungkulin ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Office (MMDA) na nakunan ng video na nanggitgit at nangharang ng isang motorista sa kalsada.

Sa video na ipinost sa social media nitong Sabado, nakunan ang isang traffic enforcer sakay ng pick up na nakipaggitgitan sa motorista na sinabihan pa niyang ayusin ang pagmamaneho.

Bumaba ang nasabing traffic enforcer sa kanyang sasakyan at nakipagtalo sa motorista tungkol sa pagsingit nito.

Sa isang memorandum na pirmado ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, nakasaad na terminated na sa serbisyo ang nasabing traffic enforcer, isang job order, epektibo nitong May 22, bilang traffic enforcer sa ilalim ng Traffic Discipline Office (TDO).

Ipina-surrender din ang kanyang ID at Mission order kay MMDA TDO Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez.

Binalaan naman ni Acting Chairman Artes ang mga kawani, partikular ang mga traffic enforcers, na hindi mangingimi ang ahensiya na sibakin sila sa puwesto dahil sa kanilang pang-aabuso.

Hinimok din ng opisyal ang publiko na i-report ang mga abusadong kawani sa pamamagitan ng social media platforms ng ahensiya at MMDA Hotline 136 para mabigyan ng kaukulang aksiyon ang kanilang reklamo.

Maaaring ipadala ang mensahe sa pamamagitan ng direct message sa MMDA Facebook, Instagram, at Twitter page kalakip ang detalye gaya ng pangalan ng empleyado, petsa/oras ng insidente, lugar kung saan naganap ang katiwalian at pang-aabuso.

Ayon pa kay Artes, mas makakatulong din kung may kalakip na video o larawan at ito ay aaksyunan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *