P15.5M na halaga ng shabu nakumpiska sa NAIA
Nakumpiska ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang P15.5 million na halaga ng cocaine.
Ang mga kontrabando ay natagpuan sa bagahe ng isang dayuhang pasahero sa NAIA Terminal 3.
Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), ikinasa ang operasyon katuwang ang PDEA na nagresulta sa pagkakadakip ng isang Salvadoran national.
Ang suspek ay dumating sa NAIA mula sa Doha, Qatar lulan ng Qatar Airways flight QR 932 galing ng Brazil.
Inalerto ang mga otoridad sa NAIA
matapos makatanggap ng impormasyon mula sa foreign counterparts sa presensya ng nasabing biyahero.
Idinaan sa masusing pagsusuri ang bagahe ng pasahero kabilang ang x-ray scanning, K9 inspection, at physical examination.
Nadiskubre sa loob ng bagahe ng dayuhan ang 3,120 na gramo ng cocaine.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act at Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)