Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa

Lalo pang lumakas ang typhoon na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, ang Typhoon Mawar ay huling namataan sa layong 2,300 kilometers east ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers bawat oras.

Wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Grace CastaƱeda sa Biyernes ng umaga o sa Sabado ng gabi ay posibleng papasok na ito ng bansa.

Maaaring lumapit ang bagyo sa extreme Northern Luzon at hahatak sa Southwesterly Windflow.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa supertyphoon category. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *