Family Food Packs inihahanda na ng DSWD sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng papasok na bagyo

Family Food Packs inihahanda na ng DSWD sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng papasok na bagyo

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ipamamahaging food packs sakaling may maapektuhan ang malakas na bagyo na nakatakdang pumasok sa bansa.

Inumpisahan na ang pre-work activities sa DSWD-National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City upang maihanda ang Family Food Packs (FFPs).

Ang Typhoon Mawar na nasa labas pa ng bansa ay posible pang ulmakas at maging isang supertyphoon ayon sa PAGASA.

Ayon sa DSWD, nakikipag-ugnayan na ang kanilang National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) sa mga Field Offices na maaaring maapektuhan ng bagyo.

Inumpisahan na din ang pag-deliver ng relief supplies sa mga DSWD-Field Office sa mga lugar na maaaring tahakin ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *