COVID-19 positivity rate sa NCR tumaas sa nakalipas na isang linggo
Tumaas pa ng bahagya ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa datos ng OCTA Research, mula sa 25.4 percent noong May 13 ay tumaas sa 25.7 percent ang positivity rate sa NCR.
Ayon kay Dr. Guido David, dahil halos hindi nagbago ang datos sa NCR, posibleng pababa na ito ngayong linggo.
Nananatili namang nasa “high” ang positivity rate sa maraming lalawigan sa Luzon.
Sa Isabela, malaki ang itinaas ng positivity rate na mula 36.6 percent noong nakaraang linggo patungo sa 67.4 percent. (DDC)