‘Drayberks’ program ng MPT South inilunsad sa paggunita ng Road Safety Month
Inilunsad ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang kanyang flagship program ‘Drayberks’ bilang paggunita sa Road Safety Month ngayong taon.
Sa partnership sa Cavite State University (CvSU), iniangat pa ng MPT South ang award-winning road safety program nito sa pamamagitan ng pagpapakilala sa Drayberks’ B.I.S.A (Buhay Ingatan, Sasakya’y Alagaan) Caravan, isang araw na libreng seminar sa mga motorista para sa pagmamantina ng sasakyan at troubleshooting bilang tulong sa mga driver na magkaroon ng kinakailangang kaalaman at kakayahan na maging kumpiyansa at ligtas na pagbibiyahe sa mga kalsada.
Unang isinagawa ang Drayberks B.I.S.A caravan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na dinaluhan ng mga bus drivers, traffic enforcers, at miyembro ng transport group ACTO kabilang ang kanilang presidente na si Bb. Liberty de Luna. Nakatuon ang seminar sa kahalagahan ng paghahanda ng sasakyan bago ang biyahe para maabot ang ligtas at walang anumang aberyang mararanasan.
Pinagkalooban sila ng detalyadong gabay mula sa mga automotive technology experts at instructors mula sa CvSU na sinundan ng handy mnemonic BLOWBAGETS vehicle maintenance checklist: battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tires, and self.
Bilang karagdagan sa B.I.S.A caravan ay ipinakilala rin ang inisyatibo ng MPT South na #EGGStraSafe experiment na isang digital awareness campaign para sa Road Safety Month.
“Road safety encompasses safe driving practices and the presence of safe roads, but its foundation lies in proper vehicle preparation. MPT South’s Road Safety Month programs this year are dedicated to addressing vehicle mechanical issues that may lead to road failures. While we prioritize equipping our roads with safety features and ensuring compliance with safe road standards, we strongly emphasize the need for motorists to always stay prepared,” sabi ni Ms. Arlette Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management, MPT South.
Inaanyayahan naman ng toll road company ang mga motorista na lumahok sa nalalapit na Drayberks B.I.S.A caravan na isasagawa sa SM City Santa Rosa Atrium 1 sa darating na Mayo 27 (Sabado).
Ang hakbang na ito ng MPT South ay upang masiguro ang kaligtasan sa biyahe ng mga motorista at pasahero na dumaraan sa mga MPTC expressways sa Luzon at Visayas—CAVITEX, C5 Link, CALAX, NLEX (North Luzon Expressway), NLEX Connector Road, SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway), at CCLEX (Cebu-Cordova Link Expressway) sa Cebu.
Target din nitong mapababa ang bilang ng mga namamatay o nasusugatan sa aksidente sa kalsada ng hanggang 50% bago ang 2030. (Bhelle Gamboa)