13 pasahero sugatan sa pagbangga ng fast craft sa isang cargo vessel sa Cebu

13 pasahero sugatan sa pagbangga ng fast craft sa isang cargo vessel sa Cebu

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa banggaan ng dalawang barko sa karagatang sakop ng Mandaue City sa Cebu.

Ayon sa PCG, nagkaproblema sa manibela at nagkaroon ng engine failure ang MV St. Jhudiel kaya bumangga ito sa LCT Poseidon 23.

Lulan ng fast craft na MV St. Jhudiel ang 197 na mga pasahero at patungo sana sa Cebu City.

Habang ang LCT Poseidon 23 ay patungo ng Ormoc City lulan ang 17 rolling cargoes at 20 pasahero kabilang ang mga driver at pahinante.

Agad nag-deploy ng floating asset, land vehicle, at ambulansya ang PCG.

Nagpadala na ng tauhan ang Coast Guard Marine Environmental Protection Force – Central Visayas para magsagawa ng oil spill assessment. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *