Typhoon Mawar papasok sa bansa; posible pang maging Super Typhoon ayon sa PAGASA

Typhoon Mawar papasok sa bansa; posible pang maging Super Typhoon ayon sa PAGASA

Posibleng pumasok sa bansa ngayong linggo ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang typhoon na may international name na Mawar ay huling namataan ng PAGASA sa layong 2,330 kilometers east ng Mindanao.

Ayon kay Pagasa weather specialist Obet Badrina, posibleng maging super typhoon ang bagyo dahil nasa karagatan pa ito.

Sa pagtaya ng PAGASA, papasok ng PAR ang bagyo sa araw ng Biyernes.

Sa sandaling pumasok sa bansa, ang bagyo ay papangalanang “Betty” at magiging ikalawang bagyo sa bansa ngayong taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *