Cortes, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 4 kilometers southeast ng bayan ng Cortes, 11:11 ng umaga ng Linggo, May 21.
May lalim na 20 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III
– Cortes, at Lanuza, SURIGAO DEL SUR
Intensity II
– Bayabas, Cagwait, San Agustin, at Tago, SURIGAO DEL SUR
Intensity I
– Marihatag, SURIGAO DEL SUR; at sa Cabadbaran City, AGUSAN DEL NORTE (DDC)