Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
Isang bagyo na nasa labas ng bansa ang binabantayan ng PAGASA.
Alas 3:00 ng hapon ng Linggo (May 21), ang Tropical Storm na may international name na Mawar ay huling namataan sa layong 2,.390 kilometers east ng Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras. ‘
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Sa susunod na 24 oras, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa Southwesterly Windflow.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)