Mahigit P7.68B na pondo para sa Targeted Cash Program ng DSWD inilabas na ng DBM

Mahigit P7.68B na pondo para sa Targeted Cash Program ng DSWD inilabas na ng DBM

Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Orders (SARO) na mahigit P7.68 billion.

Ito ay para pondohan ang implementasyon ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Aabot sa 7,597,546 ang mga benepisyaryo ang inaasahang makikinabang mula sa TCT.

Kung matatandaan, noong taong 2022, nakapagpalabas na ang DBM ng kabuuang P19.43 bilyon sa DSWD katumbas ng apat na buwan mula sa anim na buwang pondo na kailangan para sa TCT.

Ang P7.68 bilyong pondo na inaprubahan kamakailan lang ay sasakop sa natitirang dalawang buwan ng TCT.

Ang bawat benepisyaryo ng TCT ay makatatanggap ng P500 kada buwan, kasama na dito ang administrative cost at bank charges. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *