Mid-year bonus ng mga pulis matatanggap na simula ngayong araw
Naipalabas na ng Philippine National Police (PNP) ang pondo na aabot sa mahigit P7.5 Billion para sa mid-year bonus ng mga pulis.
Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin C Acorda, Jr., tatanggap ng mid-year bonus ang 227,832 na aktibong PNP personnel.
Sinabi ni Acorda na ang pondo ay mula sa regular 2023 budget ng PNP.
Ayon kay PBGEN Bowenn Joey M. Masauding, director ng PNP Finance Service simula May 18 ay papasok na sa ATM Payroll Accounts sa Land Bank of the Philippines bonus ng mga pulis.
Ang bonus ay katumbas ng kanilang one-month basic salary.
Ang mga pulis na mayroong nakabinbing kaso at naninilbihan ng parusa ay hindi muna makatatanggap ng kanilang bonus. (DDC)