Heart diseases, neoplasms, at cerebrovascular diseases tatlong pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ayon sa PSA
Ang Ischaemic heart diseases o coronary heart disease ang nangunguna pa ring dahilan ng pagkasawi sa Pilipinas ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, simula Enero hanggang Disyembre 2022, nakapagtala ng 114,557 na nasawi dahil sa heart disease o 18.4 percent ng total deaths sa bansa.
Pumapangalawa naman ang Neoplasms o cancer na nakapagtala ng 63,377 deaths o 10.2 percent.
Kasunod ang Cerebrovascular diseases na mayroong 63,281 deaths o 10.2 percent din.
Nasa ikaapat sa ranking pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ang diabetes kasunod ang hypertensive. (DDC)