14 na Local Testing Center para sa 2023 Bar Exams tinukoy ng Korte Suprema
Inilabas ng Korte Suprema ang “tentative” na listahan ng Local Testing Center para sa 2023 Bar Examinations.
Ayon sa SC inilabas ng maaga ang tentative na listahan ng local sites para makapamili ang mga aplikante ng kanilang venue at makatulong sa kanilang logistical preparations.
Nilinaw naman ng SC na tentative pa ang mga lugar at nagpapatuloy ang negosasyon at final formal agreement kaya maaaring may mga pagbabago pa.
Narito ang listahan ng 14 na local testing sites:
NCR:
– San Beda University-Manila (Makati City)
– UST (Manila)
– San Beda College-Alabang (Muntinlupa City)
– UP-Diliman (Quezon City)
– Manila Adventist College (Pasay City)
– UP-BGC (Taguig)
LUZON:
– Saint Louis University (Baguio City)
– Cagayan State University (Tuguegarao City)
– University of Nueva Caceres (Naga City)
VISAYAS:
– University of San Jose-Recoletos (Cebu City)
– University of San Carlos (Cebu City)
– Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (Tacloban City)
MINDANAO:
– Ateneo de Davao (Davao City)
– Xavier University (CDO City)
Ang pagpili ng venue ng mga aplikante ay maaaring gawin sa pamamagitan ng “BARISTA” sa sandaling magsara na ang application periods.
Nagsimua ang application period para sa mga Previous Takers at Refreshers noong May 1, 2023 at matatapos sa July 8, 2023. (DDC)