16 na biktima ng human trafficking sa Cambodia nakauwi na ng bansa
Nakauwi na sa bansa ang labinganim (16) na biktima ng human trafficking mula sa Cambodia.
Ang mga biktima ay nakauwi sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.
Kasama nila sa biyahe pauwi sa bansa si DMW Assistant Secretary for Licensing and Adjudication Francis Ron C. De Guzman.
Pagdating sa Ninoy Aquino International Airport ay sinalubong sila ng mga opisyal ng DFA, DMW at OWWA. (DDC)