Pangulong Marcos pabor na maimbestigahan ng Senado ang NGCP
Sumang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naisin ni Senator Raffy Tulfo na maimbestigahan ang NationaL Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), kasunod ng pagpupulong ng pangulo at ni Tulfo.
Ayon sa PCO, sa nasabing pulong, sinabi ni Tulfo sa pangulo ang kaniyang intensyon na imbestigahan ang sitwasyon sa NGCP.
Partikular na nais mabusisi ni Tulfo ang performance ng NGCP at ang security aspect kabilang ang sino ang totoong may kontrol sa korporasyon.
Ayon sa PCO, sinang-ayunan naman ni Pangulong Marcos ang panukalang makapagsagawa ng imbestigasyon o pagdinig para matukoy ang aktwal na sitwasyon.
At kung kinakailangan ayon sa PCO ay maaari ding bawiin ng gobyerno ang kontrol sa NGCP. (DDC)