P21 na pondo kada bata sa ilalim ng Supplementary Feeding Program hindi sapat ayon sa DSWD; ihihirit na itaas sa P27

P21 na pondo kada bata sa ilalim ng Supplementary Feeding Program hindi sapat ayon sa DSWD; ihihirit na itaas sa P27

Kailangang itaas ng pamahalaan ang nakalaang budget para sa Supplementary Feeding Program (SFP) upang matugunan ang problema sa kagutuman at malnutrisyon sa bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, bagaman mayroong feeding program ang gobyerno ay hindi naman ito napondohan ng tama,

Nanawagan si Gatchalian sa mga mambabatas na suportahan ang pagtaas ng budget at gawin itong 27 pesos per head.

Sa ngayon kasi, P21 lamang ang budget kada bata na naka-enroll sa Child Development Center (CDC) at Supervised Neighborhood Play para sa feeding program ng gobyerno.

Sinabi rin ni Gatchalian na nakikipagtulungan ang DSWD sa Department of Health (DOH), World Bank (WB) at iba pang concerned agencies para maipatupad ang Philippine Multi-Sectoral Nutrition Program (PMNP). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *