“Half-rice” ordinance sa Naga City, epektibo na
Pinaalalahanan ng Naga City Government ang mga restaurant sa lungsod hinggil sa pag-iral ng “half-rice” ordinance sa lungsod.
Ayon sa Naga City LGU, simula noong May 5, 2023 ay umiral na ang
Ordinance No. 2023-024 kung saan inoobliga ang mga restaurant na mag-alok o isama sa kanilang menu ang half-rice.
Sakop ng ordinansa ang lahat ng fast food chains, food courts, school canteens, cafeterias, carinderias o turo-turo at iba pang food services sa lungsod.
Nakasaad sa ordinansa ay ang half rice ay katumbas ng 100g ng kanin at ang presyo nito ay dapat kalahati ng presyo ng 1 cup ng rice.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng mga sumusunod na parusa:
1st Offense: Written warning or reprimand
2nd Offense: P2,000,00 na multa
3rd Offense: P3,000,00 na multa at isang buwang suspensyon ng business permit o license to operate
4th Offense: Permanenteng kanselasyon ng business permit (DDC)