Pulis na nagsisilbi umanong “gunman” ng mga Teves sa Dumaguete City arestado

Pulis na nagsisilbi umanong “gunman” ng mga Teves sa Dumaguete City arestado

Naaresto ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang isang pulis na umano ay nagsisilbing “gunman” sa mga Teves sa Dumaguete City.

Isinilbi ng mga operatiba ng CIDG katuwang ang mga tauhan ng Negros Oriental PFU ang dalawang warrants of arrest laban kay PSSg Noel Santa Ana Alabata Jr., alyas Alfonso Edena Tan sa harap ng PNP-Drug Enforcement Group Building sa Camp Crame.

Ang nasabing suspek ay nahaharap sa kasong Attempted Murder sa 7th Judicial Region, RTC Branch 35, Dumaguete City at Attempted Homicide sa 7th Judicial Region, MTCC Branch 1, Dumaguete City.

Ayon kay CIDG Director, PBGen Romeo Caramat Jr., si Alabata ay dating nakadestino sa PDEG Region 6 at ginamit umano ng mga Teves bilang hitman para sa isang alyas “Ong” na kalaban sa negosyo ng pamilya Teves. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *