Hinundayan, Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Southern Leyte.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 5 kilometers southwest ng Hinundayan, 5:59 ng umaga ng Miyerkules (May 17).
May lalim na 8 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– San Juan, Hinundayan, Hinunangan, at Anahawan, SOUTHERN LEYTE
Intensity III
– Silago, SOUTHERN LEYTE
Ayon sa Phivolcs hindi naman magdudulot ng aftershocks ang naitalang pagyanig. (DDC)