1,730 na katao apektado sa sunog sa Las Piñas

1,730 na katao apektado sa sunog sa Las Piñas

Pansamantalang nanunuluyan sa dalawang evacuation centers ang aabot sa 1,730 na indibiduwal na apektado sa naganap na sunog sa isang residential area sa Las Piñas City nitong May 15.

Agad nagpaabot ng kaukulang tulong ang Pamahalaang Lokal ng Las Piñas sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng mga opisyal ng barangay para sa mga nasunugan na nanunuluyan ngayon sa Golden Acres Covered Court, Barangay Talon Uno at Aratelis Covered Court, Brgy. Talon Singko.

Personal namang binisita at inalam ni Vice Mayor April Aguilar ang kalagayan ng mga apektadong pamilya sa dalawang evacuation center para sa pagpapaabot pa ng maaaring karagdagang tulong ng lokal na pamahalaan.

Naglagay ang lokal na pamahalaan ng mga modular tent para sa bawat pamilya upang may maayos at kumportable silang mahigaan at patuloy na binibigyan ng mga pagkain katuwang ang pamunuan ng dalawang barangay.

Ayon sa inisyal na report ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula umano ang apoy sa bahay sa Lot 16 Durian Street, Golden Acres Annex, Barangay Talon Uno dakong 3:12 ng hapon ng May 15.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na pawang gawa sa light materials na umabot sa erya ng Barangay Talon Singko.

Bukod sa pagresponde ng Las Piñas BFP at mga barangay fire brigades ng lungsod ay tumulong ang mga fire trucks mula sa mga lungsod ng Parañaque, Pasay, Makati, Taguig, Mandaluyong at Pateros kung saan umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog bago tuluyan itong naapula bandang alas-8:58 ng gabi ng Lunes.

Patuloy pang inaalam ng otoridad ang sanhi ng sunog sa lugar. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *