Pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal inaprubahan ni Pang. Marcos

Pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal inaprubahan ni Pang. Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng 150,000 metric tons na asukal kasunod ng rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ang pag-apruba ay ginawa ng pangulo matapos ang pulong kay SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona at Board Member Ma. Mitzi Mangwang.

Ayon sa pangulo, napagkasunduan ang muling pag-aangkat ng 150,000 MT, pero maaari aniyang maging mas kaunti pa dito.

Batay sa SRA forecast inventory, ang bansa ay makakaroon ng negative ending stock na 552,835 MT sa katapusan ng August 2023, kaya kailangang mag-angkat ng 100,000 MT hanggang 150,000 MT ng asukal para maiwasan ang kakapusan ng suplay.

Para maitaas ang produksyon ng asukal sa bansa, inaprubahan din ni Pangulong Marcos na simulan ang milling season ng Agosto at Setyembre ngayong taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *