MMDA at Philhealth lumagda ng kasunduan para sa KonSulta program
Nilagdaan ngayong May 15 sa pagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Philippine Health Insurance Corporation-National Capital Region (PhilHealth-NCR) ang isang Memorandum of Understanding para sa implementasyon ng Konsultasyong Sulit at Tama (KonSulta Program).
Ang MOU ay pinirmahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, at PhilHealth NCR Vice President Dr. Bernadette Lico.
Sa ilalim ng partnership, ang MMDA ay magmo-monitor ng implementasyon ng KonSulta Program na na-avail ng kanyang mga tauhan at siguruhin ang accreditation ng MMDA Medical Clinic na naatasang magsagawa ng preventive health services gaya ng health screening at assessment alinsunod sa life stage at mga banta sa kalusugan ng mga indibiduwal.
Samantala ang PhilHealth ang magbibigay ng accreditation ng MMDA Medical Clinic alinsunod naman sa accreditation standards, rules, at procedures na nakasaad sa PhilHealth Circular para sa KonSulta Provider Accreditation.
Nagpasalamat si Artes sa PhilHealth-NCR para sa pagbibigay ng package na layung paangatin ang pagkuha sa primary care services.
“We thank the PhilHealth-NCR for its KonSulta Program that offers accessible health care services. It would benefit our employees to prevent or manage chronic diseases,” ani Artes sa kasagsagan ng MOU signing na ginanap sa New MMDA Head Office sa Julia Vargas, Pasig City.
Pinasalamatan naman ni Dr. Lico ang MMDA para sa mabungang kolaborasyon sa PhilHealth-NCR.
“I would like to personally convey my utmost gratitude to the dynamic chairman of MMDA and its officers for collaborating with us. Atty. Artes welcomed us with open arms and showed his overwhelming support in boosting the KonSulta Program,” ani Dr. Lico.
Ang PhilHealth’s KonSulta Program ay isang primary care benefit package sa probisyon ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act.
Sakop ng PhilHealth KonSulta package ang preventive care kasama na rito ang consultations, health risks screening and assessment, 13 laboratory tests, at 21 maintenance drugs and medicines.
Kabilang sa laboratory tests ay ang complete blood count (CBC) with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fecal occult blood, pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, electrocardiogram (ECG), chest x-ray, creatinine, at hemoglobin A1c (HbA1c) test. (Bhelle Gamboa)