No. 1 Most Wanted sa Cebu sa kasong illegal drugs naaresto

No. 1 Most Wanted sa Cebu sa kasong illegal drugs naaresto

Arestado sa bisa ng arrest warrant ang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Cebu sa kasong kaugnay sa iligal na droga kasunod ng operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Sitio Ibabao, Mambaling, Cebu City.

Kinilala Police Major Jonathan Bethooven Nifel Taneo, Station Commander, ang naaresto na si alyas ‘Justine’, 18-anyos.

Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng 7th Judicial Region Branch 24, Cebu City para sa kinakaharao nitong kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165.

Nakapiit ngayon ang suspek sa CIDG Cebu para sa kaukulang disposisyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *