Oriental Mindoro mayroong 52 aktibong kaso ng COVID-19
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sa huling datos ng Provincial Health Office ng Oriental Mindoro, mayroong 52 aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Pinakamaraming aktibong kaso sa Calapan City (16 na kaso), kasunod ang Bansud (10 na kaso), at Pinamalayan (9 na kaso).
Dahil dito, nagpaalala ang Provincial Government sa publiko na patuloy na maging maingat upang hindi mahawaan ng sakit.
Kabilang dito ang pagsusuot ng facemask lalo na sa mga matataong lugar, palaging paghuhugas ng kamay, at agad na pagpapakonsulta kapag nakaranas ng sintomas. (DDC)