NCR positivity rate sa nakalipas na isang linggo tumaas; Positivity rate sa Aklan nasa “very high” na
Bahagyang tumaas ang positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na pitong araw.
Sa datos ng OCTA Research, mula sa 22.7 percent na positivity rate noong May 6 ay umakyat ito sa 25.4 percent noong May 13.
May pagtaas din ng positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lalawigan:
Bataan (20.2 percent)
Batangas (33.7 percent)
Benguet (20.3 percent)
Bulacan (25.2 percent)
Camarines Sur (46.5 percent)
Cavite (36.9 percent)
Isabela (36.6 percent)
Laguna (29.9 percent)
Oriental Mindoro (29.5 percent)
Pampanga (24.8 percent)
Quezon (42.7 percent)
Rizal (44.4 percent)
Samantala, umabot na sa “very high” ang positivity rate sa Aklan.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 41.7 percent ay umakyat sa 56.9 percent ang positivity rate sa nasabing lalawigan. (DDC)