LRT-2 balik na sa normal na operasyon matapos ang sunog sa Sta. Cruz, Maynila
Balik-normal na ang operasyon ng LRT-2 ngayong araw, May 14 matapos ang nangyaring sunog malapit sa Recto Station.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), may biyahe na mula Recto Station hanggang Antipolo Station at pabalik.
Ang huling tren sa Recto Station ay aalis ng 9:30PM habang 9:00PM naman sa Antipolo Station.
Samantala, hindi pa rin maaaring daanan ang connecting bridge mula Recto Station papuntang LRT-1 Doroteo Jose Station.
Paalala ng LRTA sa mga pasahero, sa ibaba o sa kalsada muna dumaan habang isinasaayos pa ang naturang tulay.
Dahil sa nangyaring malaking sunog sa Sta. Cruz, Maynila ay nagpatupad ng limitadong operasyon sa LRT-2 mula umaga ng Linggo (May 14).
Dahil sa sunog ay naapektuhan ang power supply at signaling systems ng LRT-2 sa Recto Station. (DDC)