Malakanyang nakiisa sa pagdiriwang ng Mother’s Day
Nakiisa ang Malakanyang sa pagdiriwang ng Mother’s Day, araw ng Linggo, May 14.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), kinilala nito ang mga sakripisyo at pagmamahal ng mga ina sa pagtataguyod ng bawat pamilya.
Ayon sa PCO, ang Mother’s Day ay pagkakataon din upang magbigay-pugay sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan tungo sa pagpapaunlad ng bawat pamayanan. (DDC)