Pasok sa SC sinuspinde para makapagsagawa ng disinfection dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19
Maagang pinauwi ang mga empleyado ng Korte Suprema, araw ng Biyernes (May 12).
Simula 12:30 ng hapon sinuspinde na ang pasok para bigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection, cleaning at sanitation sa lahat ng gusali at tanggapan sa Supreme Court.
Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa SC.
Inatasan namang magpanatili ng skeletal force ang Judicial Records Office, Cash Collection and Disbursement Division, Discal Management and Budget Office, at Medical and Dental Services. (DDC)