Klase sa ilang bayan at lungsod sa Albay sinuspinde dahil sa power interruption
Sinuspinde ang klase araw ng BIyernes (May 12) sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay dahil sa power outage.
Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na nilagdaan ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman, iniutos ang suspensyon sa klase sa lahat ng antas sa mga public at private schools sa mga lugar na apektado ng power interruption.
Kabilang dito ang Sto. Domingo, Malilipot, Legazpi City, Daraga, Camalig, Manito, at bahagi ng Tabaco City, Jovellar, Guinobatan, at Bacacay.
Sa naging abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsasagawa ito ng preventive maintenance operation mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng sa tatlong substations kabilang ang Washington at Bitano sa Legazpi City, at Sta. Misericordia sa Sto. Domingo.
Magsasagawa din ang NGCP ng testing sa high voltage equipment sa Daraga Substation. (DDC)