Papel ng mga kabataang Pinoy sa climate change at disaster resiliency, ibinida ni Pangulong Marcos sa ASEAN
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kahalagahan ng papel ng mga mga kabataang Pinoy sa mga hakbang sa climate change at disaster resiliency.
Sa kaniyang intervention sa ginanap na 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Labuan Bajo, Indonesia, sinabi ng pangulo na pinangungunahan ng Filipino youths ang mga adbokasiya para maibsan ang epekto ng climate change sa Pilipinas.
Mainam aniyang maging halimbawa ito sa ibang mga bansa sa ASEAN.
Kabilang sa binanggit ng pangulo ang deklarasyon ng tauhang ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience Day na ginaganap tuwing November 25 na layong magpalaganap ng impormasyon at hikayatin ang mga kabataan na gumawa ng hakbang laban sa climate change.
Sinabi ng pangulo na ang kinabukasan ng rehiyon ay nakasalalay sa abilidad nitong i-develop ang mga nakababatang populasyon.
Maisasakatuparan aniya ito kung mabibigyan sila ng sapat nakaalaman para maging handa sa kinabukasan.
Kailangan din ayon sa pangulo na gumawa ng hakbang ang ASEAN para ihanda ang mga kabataan sa digital and creative economies.
“We must ensure that they are well equipped to not only compete globally, but also to develop expertise, forge linkages, and establish leadership in these fields … strengthening youth people-to-people exchanges to facilitate the free flow of ideas and the transfer of skills is critical. Activities such as the ASEAN Youth Dialogue and the ASEAN Junior Fellowship Program are avenues where the youth can develop their leadership skills and competencies,” ayon sa pangulo. (DDC)