Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Batanes.
Naitala ang pagyanig sa layong 118 kilometers northwest ng Itbayat, 5:25 ng umaga ng Biyernes, May 12.
May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)