Korte Supreme nagpalabas ng Status Quo Ante sa disqualification case ni Legazpi City Mayor Gie Rosal
Mananatili pa sa puwesto bilang mayor ng Legazpi City sa Albay si Mayor Carmen Geraldine “Gie” Rosal Rosal.
Ito ay makaraang magpalabas ng Status Quo Ante ang Korte Suprema kasunod ng inihaing petisyon ni Rosal na kumukwestyon sa diskwalipikasyon sa kaniya ng Commission on Elections (Comelec).
Sa mga inihaing petisyon ni Rosal, hiniling nitong magpalabas ang SC ng status quo ante order, temporary restraining order (TRO), o writ of preliminary injunction (WPI) at atasan ang Comelec na huwag ipatupad ang diskwalipikasyon sa kaniya.
Sa Status Quo Ante Order na inilabas ng SC, nagpasya ang Supreme Court En Banc na i-consolidated ang dalawang petisyon.
Inatasan din ng SC ang mga respondent kabilang ang Comelec na magsumite ng kanilang consolidated comment sa loob ng 10-araw.
Ang diskwalipikasyon kay Rosal ay nag-ugat matapos itong ireklamo ng pagbili umano ng boto noong nakaraang eleksyon. (DDC)