Sa unang linggo ng ‘Chikiting Ligtas’ vaccination campaign sa Caloocan, mahigit 57,000 a mga bata ang nabakunahan

Sa unang linggo ng ‘Chikiting Ligtas’ vaccination campaign sa Caloocan, mahigit 57,000 a mga bata ang nabakunahan

Halos 62,000 na mga bata sa Caloocan City ang nakatanggap ng anti-polio, anti-measles, at vitamin A sa unang linggo ng ‘Chikiting Ligtas’ vaccination campaign.

Ayon sa datos mula sa Caloocan City LGU, 3,898 na mga bata ang nakatanggap ng vitamin A; 26,181 ang nabakunahan laban sa tigdas at 31,743 ang tumanggap ng proteksyon laban sa polio.

Pinasalamatan naman ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga residente sa kanilang kooperasyon.

Paalala ni City Health Department head, Dr. Evelyn Cuevas sa mga magulang, wala pang lunas sa sakit na polio at tigdas kaya mahalagang mapabakunahan ang mga bata laban dito.

Ang Chikiting Ligtas vaccination drive ay tatagal hanggang sa May 31, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *