PIA naglunsad ng 2023 Pre-SONA caravan sa Las Piñas

PIA naglunsad ng 2023 Pre-SONA caravan sa Las Piñas

Matagumpay ang unang bugso ng “Nagkaka1sang Bumabangon: The 2023 Pre-SONA Caravan” ng Philippine Information Agency (PIA) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas City na inilunsad sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres sa lungsod nitong May 10.

Iba’t ibang booths ang inilagay ng mga ahensya ng pamahalaan kabilang na rito ang mula sa Department of Health (DOH), Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO),Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth),Commission on Population and Development (PopCom) at ng Philippine Cancer Society para ilapit ang paghahatid ng kani-kanilang mga serbisyo at bigyan ng mahahalagang impormasyon ukol sa kahalagahan ng kalusugan,seguridad at kapakanan sa lipunan ng mga taga-Las Piñas.

Nagkaloob ng libreng konsultasyon at medical check-ups ang booth ng DOH habang pagproseso ng health insurance claims naman ang handog ng PhilHealth.

Nagbigay naman ng safety tips ang PNP-NCRPO booth at namahagi ng mga babasahin o pulyeto na naglalaman ng mga impormasyon kung paano pigilan ang krimen at huwag magbenta o gumamit ng ilegal na droga.

Nagkaloob din ang
PCS booth ng cancer prevention at awareness information para sa mga Las Piñeros.

Samantala, dumalo sa kaganapan si City Vice Mayor April Aguilar, City Administrator Reynaldo Balagulan, PIA Director General Ramon Cualoping III, Metro Manila Center for Health Development Regional Director Aleli Sudiacal, Commission on Population and Development NCR Acting Regional Director Jackilyn Robel, DSWD Spokesperson Romel Lopez, PIA Regional Director Emver Cortez, at DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa.(Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *