HS Romualdez kay Teves: Umuwi sa bansa at huwag takasan ang imbestigasyon
Ikinabahala ng Kamara ang napaulat na humiling ng political asylum sa Timor Leste si Cong. Arnolfo Teves.
Sa pahayag sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na hindi dapat abandonahin ni Teves ang kaniyang sinumpaang tungkulin na magsilbi bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa halip na takasan ang imbestigasyon, sinabi ni Romualdez na dapat bumalik na sa bansa si Teves at harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.
Inulit din ni Romualdez ang pagtitiyak nitong handa ang Kamara na tiyakin ang kaligtasan ni Teves sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. (DDC)