Pinakamahabang Sea-Crossing Bridge Project sa Northern Mindanao, 69 percent nang kumpleto ayon sa DPWH
Nagpapatuloy ang konstruksyon ng 3.17-kilometer Panguil Bay Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Northern Mindanao.
Ayon sa DPWH, ang P7.37 Billion bridge project ay nasa 69 percent na ang accomplishment rate.
Kamakailan, nag-inspeksyon sa nasabing proyekto si DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain, na siyang in-charge sa DPWH infrastructure flagship projects sa ilalim ng “Build, Better, More” program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Sadain, kung magpapatuloy ang magandang panahon, maaabot ng inter-island bridge project ang 90 percent completion pagsapit ng December 2023, at 95 percent pagdating ng March 2024.
Target itong mabuksan sa mga motorista sa June 2024.
Sa sandaling matapos na ang tulay, mula sa 2 hanggang 2 1/2 hours ay bababa sa 7 minutes na lamang ang biyahe sa pagitan ng Tangub City, Misamis Occidental at Tubod, Lanao Del Norte. (DDC)