Limang dayuhan ipatatapon palabas ng bansa ng BI

Limang dayuhan ipatatapon palabas ng bansa ng BI

Limang dayuhan ang nakatakang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) matapos maaresto bunsod ng ilegal na pananatili sa bansa.

Ang limang dayuhan ay nadakip sa magkakahiwalay na insidente sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa ulat ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, isang 41-anyos na Indian National na kinilalang si Tejinder Singh ang naaresto sa Calbayog City, Samar.

Natuklasan na peke ang hawak na residence visa ng dayuhan at ielagl din itong nakakuha ng workig visa sa BI matapos matuklasan na peke ang umano ay kumpanyang pagtatrabahuhan niya.

Ipatatapon din ang American national na si Victor Florendo Carpiso, 63-anyos na overstaying na sa bansa.

Ang dayuhan ay dumating sa Pilipinas bilang turista noon pang 2013.

Sasailalim din sa deportation proceedings ang Pakistani na si Saleem Khan, 29-anyos dahil sa pagiging overstaying., gayundin ang isa pang Indian national na si Prakash Raj Ramara, 26-anyos mula naman sa Legazpi, Albay.

Kamakailan ay nadakip din ng BI ang Vietnamese national na si Tran Van Thung, 26-anyos na nabebenta ng retail goods sa UV Express Terminal sa Quezon City.

Ayon sa BI, ilegal ang pagnenegosyo ng Vietnamese sa bansa dahil ang kaniyang visa ay pang-turista lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *