Comelec nagpalabas ng certificate of finality sa disqualification kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal
Nagpalabas ng certificate of finality ang Commission on Elections (Comelec) sa diskwalipikasyon ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal.
Kinumpirma ito ni Comelec Chairman George Garcia.
Sa resolusyon ng Comelec en banc, liable si Rosal sa pagbibigay ng pera ipang maimpluwensyahan ang mga botante.
Ang kaso ay nag-ugat sa Facebook post noong Mar. 31, 2022 kung saan nagsagawa sa lungsod ng 2-day Tricycle Driver’s Cash Assistance Payout.
Dahil sa desisyon ng Comelec en banc, iprinoklama ang second-placer sa mayoralty race sa Legazpi City na si Alfredo Garbin Jr. bilang duly-elected mayor ng lungsod. (DDC)