Traffic management sa NCR nais gamitin ng bansang Mongolia para maresolba ang traffic congestion sa kanilang lungsod
Bumisita sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kinatawan mula sa bansang Mongolia.
Nakipagpulong kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang mga kinatawan ng National Committee on Traffic Congestion Reduction of Capital City ng naturang bansa.
Partikular dito ang Senior Implementation Specialist ng Office of Minister.
Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan ang mandato, transport at traffic management ng ahensiya gaya ng Unified Vehicular Volume Reduction Program, traffic education at ang ilang proyekto ng ahensiya para sa Metro Manila.
Pinag-aaralan ng Mongolian Delegates ang traffic management ng NCR para kanilang gamitin sa pag-decongest ng traffic sa lungsod nila sa Ulaanbaatar. (DDC)