Hirit na asylum ni Rep. Teves ibinasura ng gobyerno ng Timor-Leste
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na humiling ng political asylum si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Timor-Leste.
Ayon sa pahayag ng DFA, kinumpirma ito ng Ministry of Interior ng Timor-Leste.
Si Teves ay kasalukuyang nasa Dili na Capital City ng Timor-Leste kung saan ito nag-apply ng protection visa na layong makakuha siya ng asylum.
Pero ayon sa DFA, ibinasura ng Timor-Leste ang aplikasyon ni Teves.
Dahil sa desisyon ng gobyerno ng Timor-Leste, mayroon lamang 5 araw si Teves para umalis sa nasabing bansa. (DDC)