Pagbibigay serbisyo ng DSWD gagawin na batay sa lungsod o lugar simula sa June 1
Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na sa DSWD Satellite Offices sa kani-kanilang lugar magtungo kapag kailangan ng tulong mula sa ahensya.
Ayon sa DSWD, simula sa June 1, 2023 ay ipatutupad na ang pagbibigay ng serbisyo batay sa lungsod o lugar kung saan nakatira ang isang indibidwal.
Maliban sa NCR at Legarda offices, narito ang mga bagong bukas na DSWD Satellite Office sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon:
CAMANAVA Satellite Office (Monumento, Caloocan City), para sa mga residente ng:
– Caloocan
– Malabon
– Navotas
– Valenzuela
Baclaran Satellite Office (Parañaque City), para sa mga reisdente ng:
– Pasay
– Parañaque
– Las Piñas
– Muntinlupa
San Jose del Monte Satellite Office (Bulacan), para sa mga residente ng:
– San Jose del Monte
– Norzagaray
– Sta. Maria
– Marilao
– Angat
Rodriguez Satellite Office, Rodriguez Municipal Hall, para sa mga reisdente ng
– Rodriguez, Rizal
– San Mateo, Rizal
Layunin ng pagbubukas ng Satellite Offices na mas ilapit sa taumbayan ang mga serbisyo at programa ng DSWD at mapaunlakan ang mas maraming mga nangangailangang residente ng Metro Manila at mga kalapit na rehiyon. (DDC)