Contact tracing ipinatutupad sa BuCor; 14 PDLs naka-isolate pa rin

Contact tracing ipinatutupad sa BuCor; 14 PDLs naka-isolate pa rin

Nagpapatupad ng contact tracing sa Bureau of Corrections (BuCor) upang protektahan ang kanyang stakeholders kahit na nakalabas na ang 47 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison isolation ward nitong May 8.

Sa daily medical report na isinumite ng Health and Welfare Services ng ahensya kay BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio P. Catapang na tanging 14 na PDLs na lang ang nananatili sa isolation kasama ang isang senior citizen. Sa 14 PDLs, walo rito ang may mild symptoms at anim na asymptomatic.

Ang mga sumailalim sa rapid antigen test (RAT) buhat sa maximum at medium security compounds ay pawang nagnegatibo sa Covid result habang nagpositibo naman ang dalawang tauhan ng BuCor na nakatalaga sa medium security compound.

Iniulat ni Supt. Elsa Alabado ng Correctional Institute for Women (CIW) na isa sa kanilang incoming duty personnel ang nagpositibo sa Covid kaya iniutos na isailalim sa RAT ang mga nakasalamuhang personnel.

Pinaalalahanan ni Catapang ang BuCor personnel na maging vigilante at huwag magpakampante patungkol sa Covid.

Ayon pa ulat nitong May 3-8 umabot sa kabuuang 2216 na PDLs ang isinailalim sa antigen test kung saan nagpositibo ang 105 na PDLs, 16 ang nasa isolation,50 na BuCor personnel at 11 iba pa nagpositibo ay binigyan ng prescriptions at pinayuhang mag-self isolate sa kanilang bahay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *