Pangingisda sa ilang bayan sa Oriental Mindoro pinayagan na ng BFAR

Pangingisda sa ilang bayan sa Oriental Mindoro pinayagan na ng BFAR

Pinayagan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makapangisda sa mga bayan ng Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, Baco, San Teodoro at Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Oriental Mindoro Gov, Bonz Dolor, ito ay makaraang lumabas sa huling pagsusuri ng BFAR na ligtas na para sa human consumption ang mga mahuhuling isda sa nasabing mga bayan.

Bawal pa rin naman ang paghuli ng shellfish sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, ayon kay Dolor, bawal pa rin ang panghuhuli ng isda sa Calapan City at sa mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria at Bansud.

Ito ay dahil apektado pa din ng oil spill ang tubig-dagat sa nasabing mga lugar.

Hinikayat ni Dolor ang mga mangingisda sa mga apektado pang bayan at lungsod na dumayo muna sa mga kalapit na bayan na maaaring pangisdaan.

Paalala ng pamahalaang panlalawigan, lutuin ng maayos ang mga mahuhuling isda bago kainin, huwag kainin kung ito ay may amoy o lasa ng langis, suriin ang mga nahuling isda kung may bahid pa ng langis, at kung sumama ang pakiramdam ay agad magtungo sa pinakamalapit na rural center. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *