LTO naglunsad ng LTMS Portal mass enrollment
Naglunsad ng mass enrollment para sa LTMS Portal ang Land Transportation Office (LTO).
Ito ay para matulungan ang mga motorista na hindi pa nakakapagparehitro sa LTO Portal o wala pang LTMS account.
Hinimok ng LTO ang mga motorista na magtungo sa LTO Central Office para maalalayan sa pag-register sa LTMS portal ngayong Martes, May 9.
Kailangang dalhin ang driver’s license o kahit anong valid na government-issued ID.
Paalala ng LTO, mahalaga na na mayroong LTMS account para sa iba’t-ibang digital transactions sa ahensya. (DDC)